HINDI NAKAKALIMOT ANG TAONG BAYAN!
Never Again. Never Forget. Makibaka, Huwag Matakot!
Inilabas ng mga Teknolohista ng Bayan katuwang ang PUP CCIS Student Council
==[ 1. BAKIT TAYO NAGKIKILOS? ]==
Hindi ito glitch. 54 taon matapos ang Batas Militar, narito pa rin ang mga dinastiya, ang bilyon bilyong korapsyon sa baha, at ang paniniktik sa ating mga telepono at database. Ngunit buhay na buhay ang paglaban ng sambayanan.
Bilang mga mag-aaral ng Computer Science at IT sa PUP, madalas tayong sabihan na mag-code na lamang at huwag makialam. Ngunit naging malinaw sa atin na walang halaga ang talino sa teknolohiya kung hindi ito naglilingkod sa tao. Ang kapangyarihan ay nasa masa, wala sa mga naghaharing-uri.
==[ 2. TAWAG SA PAGKILOS ]==
MAGKITA TAYO SA LIWASANG BONIFACIO!
PETSA · 21 Setyembre 2026 (Lunes)
ORAS · 3.00 PM ng hapon
LUGAR · Liwasang Bonifacio, Maynila
KONTINGENTE · PUP CCIS at mga Iskolar ng Bayan
Magmartsa tayo nang sama-sama. Dalhin ang panawagan para sa karapatan, libreng edukasyon, at pananagutan sa pondo ng bayan.
==[ 3. MGA MAHAHALAGANG TAON ]==
- 1964 · Itinatag ang Kabataang Makabayan sa Bonifacio Day
- 1970 · First Quarter Storm at Labanan sa Mendiola
- 1971 · Dinukot si Charlie del Rosario ng PCC/PUP
- 1972 · Ipinataw ang Batas Militar (Proclamation 1081)
- 2025 · Baha sa Luneta at Gen Z protests sa Nepal
- 2026 · Pagtutol sa No ID No Facebook at digital surveillance
==[ 4. GABAY SA PAGKILOS AT PACKING LIST ]==
BUDDY SYSTEM · Laging may kasama. Huwag humiwalay sa hanay.
SA CONTINGENT · Sundin ang marshals. Iwasan ang provocation.
DOKUMENTASYON · Kumuha ng litrato o video kung ligtas gawin.
Ayon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas Artikulo III Seksyon 12
1. KARAPATANG MANAHIMIK · May karapatan kang huwag magsalita. Anumang sabihin mo ay maaaring gamitin laban sa iyo sa korte.
2. KARAPATAN SA ABOGADO · May karapatan ka sa sarili at may-kakayahang abogado. Kung walang pambayad, obligasyon ng estado na magbigay nang libre.
3. BAWAL ANG DAHAS AT TORTYUR · Mahigpit na ipinagbabawal ang anumang uri ng pananakot, pamumuwersa, o pagpapahirap.
4. BAWAL ANG LIHIM NA DETENSYON · Ipinagbabawal ang secret detention centers o incommunicado detention.
5. HINGIN ANG IDENTipikasyon · Alamin ang pangalan, ranggo, at badge number ng humuhuling opisyal.
EMERGENCY HOTLINE / EMAIL · pupccissc@gmail.com
Ipagbigay-alam agad sa council ang anumang pag-aresto o harassment.
